Wika: Kayamanan ng Isang Bansa


Taon-taon, ipinagdiriwang natin ang Biwan ng Wika na nagaganap tuwing Agosto kung saan marami sa paaralan ng Pilipinas ang binibigyang kulay ang Buwan ng Wika gaya ng paggawa ng mga bagay-bagay na mayroong kaugnayan sa wika at mga paligsahan din na tumutukoy o nagpapaalala sa mga Pilipino na ang wika ay mahalaga.
Taon-taon din ay may magkakaibang tema ng Buwan ng Wika. Ngayon, ang tema ay Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Pinagtibay ng KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) kapasiyahan 19-03 ma hangad ng temang ito na maikintal sa pambansang kamalayan ng halaga at gampanin ng Wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan. Dito rin nakapaloob na kilalanin mahalin natin ang mga katutubong wika natin dahil karamihan sa ngayon, hindi na ginagamit ng tama ang ating wika lalo na ang mga katutubong wika dahil tayo’y naiimpluwensiyahan ng mga taga-ibang bansa.
Sa aking palagay, hindi ko naman pinagbabawalan na gumamit ng mga banyagang salita o wika, ang gusto ko lang naman ay dapat wag parin natin kalimutan an gating nakagisnang wika dahil maituturing din itong isang kayamanan ng isang bansa.

Source: https://www.google.com/search?q=Kwf&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjnka__mLTkAhVQA4gKHX7JB50Q_AUIEigB&biw=1366&bih=657#imgrc=pq3mkniU_H7F1M:

Comments

Popular Posts